Rochelle Pangilinan, proud sa dancing skills ng anak na si Shiloh
Bilang mga magulang at dancers, proud sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa dancing skills ng kanilang anak na si Shiloh Jayne na tila namana nito sa kanila. Sa katunayan, mayroon na umano itong ritmo at nakabubuo na ng sariling steps sa pagsasayaw.
Matatandaan na parte noon si Rochelle ng sing and dance girl group na SexBomb Girls, habang si Arthur naman ay kabilang sa '90s boy group na Abztract Dancers.
Kuwento ni Rochelle sa Updated with Nelson Canlas podcast, hindi naman niya tinuturuan sumayaw si Shiloh at maging ang single ng SexBomb Girls na "Spageti" ay hindi niya itinuro. Isang beses lang niya umano tinuruan ang anak, nang hilingin nitong turuan siya ng steps ng "Halukay Ube".
“Kanina, sumayaw siya sa harap ko, tawa ako nang tawa kasi nag-imbento na naman siya ng steps. Mayroon siyang timing, may rythm 'yung bata, sabi ko, 'Talagang genes, no?' Talagang kahit hindi mo turuan no?'” kuwento ni Rochelle.
Inalala rin ng dancer-actress na noong Pasko, tatlong taon na ang nakakaraan, nang magsayaw si Shiloh ng "Spageti" song para sa kanilang pamilya. Pag-amin ni Rochelle, “Na-proud ako kasi hindi ko siya tinuturuan e.”
Pagpapatuloy ni Rochelle, “Tapos sabi ni Art, 'Tinuruan mo ba mag-Spageti para mag-perform ngayon?' Sabi ko, 'Hindi.' 'Yun pala pinapanood niya [yung lumang videos ko], inaaral niya. At tsaka ang bilis niyang pumick-up ng sayaw.”
TINGNAN ANG IBA'T IBANG MUKHA NI SHILOH SA GALLERY NA ITO:
Pag-amin ni Rochelle, dahil mas madalas ay napapanood na siya at ginagaya ni Shiloh ay nag-iingat na siya sa mga sinasayaw niya.
Grateful din si Rochelle na hindi mahiyain si Shilo dahil willing ito mag-perform at friendly ito sa mga tao, malayo sa ugali nilang dalawa ni Arthur.
Kwento ng dancer-actress, “Wala, wala kami ni Art. Nagtanungan na kami ni Art. Mahiyain kami, nanay ko nga, nagulat nanay ko na artista ang trabaho ko e, kasi takot ako sa tao e. Takot na takot ako sa tao, wala talaga akong lakas ng loob. Ganu'n din daw si Art.”
Pagbabahagi ni Rochelle, baka naipaglihi pa niya si Shiloh sa dating Onanay co-star na si Jo Berry.
“Kasi nu'ng nabuntis ako sa kaniya, si Jo Berry 'yung kasama ko. 'Yung buong proseso, hanggang sa manganak ako, siya 'yung kasama ko. Tapos pinag-usap ko sila, magka-range sila ng boses. Tapos talagang patalinuhan silang dalawa. E 'di ba super smart itong si Jo Berry? So pareho sila,” pag-alala ni Rochelle.
Pakinggan ang buong panayam ni Rochelle dito: