GMA Logo jillian ward
Courtesy: GMA Network
What's Hot

Jillian Ward, mala-diva ang grand entrance sa kanyang debut party

By EJ Chua
Published February 26, 2023 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Sinalubong ni Jillian Ward ang kaniyang debut guests sa pamamagitan ng isang amazing song number.

Naganap na ngayong Sabado, February 25, ang isa sa mga gabing pinakahihintay ng Sparkle star na si Jillian Ward.

Labis na ginulat ni Jillian ang kaniyang debut guests sa isang performance na mismong ginawa niya sa kaniyang grand entrance.

Suot ang kaniyang purple sparkly gown, all eyes ang lahat sa Abot-Kamay Na Pangarap actress nang kantahin niya ang "Girl on Fire" ni Alicia Keys.

Spotted sa kaniyang engrandeng debut ang ilang Sparkle artists na malapit kay Jillian.

Kabilang na rito ang kaniyang former Prima Donnas co-stars na sina Elijah Alejo at Althea Ablan, Ken Chan, Michael Sager, Abdul Raman, at marami pang iba.

Present din sa kaniyang special night ang kaniyang co-star at ka-loveteam sa Abot-Kamay Na Pangarap na si Jeff Moses.

Matatandaang bago ang kaniyang birthday party, naging hands on si Jillian sa pag-asikaso sa ilang bagay katulad na lang ng personal na pag-imbita sa mga kaibigan at naging katrabaho sa show business.

Samantala, napapanood si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa ongoing at Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ang seryeng kaniyang pinagbibidahan tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG PRE-DEBUT PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: