'Sinagtala' red carpet premiere night
Excited na ang mga bida ng upcoming musical film na Sinagtala na sina Glaiza de Castro, Matt Lozano, Rayver Cruz, Rhian Ramos at Arci Muñoz na mapanood ng lahat ang kanilang pelikula.
Nitong Thursday, March 21, naganap ang premiere night nila sa SM Megamall Cinema 3 na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Bukod sa limang bida, naroon din ang direktor na si Mike Sandejas.
Naroon din ang executive producer ng pelikula na si Rose Conde, and co-producer na si Senator Alan Peter Cayetano.
Samantala, tingnan kung ano ang naganap sa red carpet premiere night ng Sinagtala sa gallery na ito:
Sinagtala band
Present ang main cast at mga miyembro ng Sinagtala band na sina Glaiza de Castro, Matt Lozano, Rayver Cruz, Rhian Ramos at Arci Muñoz sa kanilang premiere night.
Matt's Family
Nagbigay ng suporta ang pamilya ni Matt sa singer-actor at sa bago nitong pelikula, kasama ang ina nito na si Director Elaine Carriedo Lozano.
Julie Anne San Jose
Nandoon din ang girlfriend ni Rayver na si Julie Anne San Jose para suportahan ang bagong pelikula ng aktor.
Ultimate fan
Kitang-kita ang pagiging ultimate fan ni Julie kay Rayver na bukod sa kinunan ng photos ang poster ng aktor, ay nagpakuha pa siya sa harap nito.
Rodjun Cruz
Dumalo rin ang kuya ni Rayver na si Rodjun Cruz, kasama ang kanilang tiyuhin para suportahan ang aktor at kanilang pelikula.
Glaiza de Castro
Gagampanan naman ni Glaiza de Castro ang karakter na si Paola, ang lead guitarist ng bandang Sinagtala.
Arci Muñoz
Dumalo rin sa premiere night si Arci Muñoz na ginagampanan ang karakter ni Carla, ang bassist ng bandang Sinagtala.
Arci's family
Present din ang pamilya ni Arci sa premiere night, kabilang na ang kaniyang kapatid at pamilya nito, at ang kanilang ina na si Mommy Yoly.
Robert Seña
Dumalo rin ang beteranong aktor na si Robert Seña, na gumaganap naman bilang ama ng karakter ni Rhian na si June.
Cloud 7 Egypt
Nagpakita rin ng suporta ang miyembro ng P-Pop boy group na Cloud 7 na si Egypt sa kaniyang kapwa Sparkle artists.
Prince Carlos, Tanya Ramos, Yasser Marta
Nagpakita rin ng suporta ang Sparkle stars na sina Prince Carlos, Tanya Ramos, at Yasser Marta.
Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix
Spotted din ang Kapuso young couple na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix para suportahan ang cast ng Sinagtala.