Ashley Ortega, Royce Cabrera, Jeric Gonzales, Kapuso stars, nagbigay ng saya sa Kapuso Mall Show sa San Carlos City
Naghatid ng saya at aliw ang ilang Kapuso stars sa naganap na Kapuso Mall Show sa San Carlos City, Pangasinan. Nagpasaya ang mga bida ng Pulang Araw na sina Ashley Ortega, Jay Ortega, at Aidan Veneracion.
Back-to-back kilig naman ang dala ng Widows' War na sina Jeric Gonzales at Royce Cabrera, at isang mesmerizing experience naman mula sa Abot-Kamay na Pangarap star Jeff Moses. Nagsilbi namang host ng show si Migs Almendras.
Tingnan kung papaano pinasaya nina Ashley, Jay, Aidan, Jeric, Royce, Jeff, at Migs ang mga Kapuso sa San Carlos City sa gallery na ito:
Migs Almendras
Puno ng energy at saya ang naging performance ni Migs Almendras sa naganap na Kapuso Mall show.
Fun games
Mas lalo pang pinasaya ni Migs ang mga Kapuso na dumalo sa mall show nang maglaro sila ng fun games, kabilang na ang bersyon nila ng Family Feud. Tampok sa laro ang ilang tanong tungkol sa Pulang Araw at Widows' War.
Jeff Moses
Nagbigay naman ng isang mesmerizing experience ang Abot-Kamay na Pangarap star na si Jeff Moses para sa mga Kapuso sa San Carlos City.
Kilig much
Naghatid din ng kilig si Jeff sa mga Kapuso sa mall show lalo na nang haranahin niya ang isa sa mga manonood. Sa huli ay ibinigay pa niya ang suot na jacket dito.
Mindfulness and entertainment
Ipinagsamang mindfulness at entertainment ang inihain na performance ni Jeff para sa kaniyang fans.
Ashley Ortega
Elegance at poise naman ang dala ni Pulang Araw star Ashley Ortega pagtungtong niya sa stage ng Kapuso Mall Show.
Classy performance
Classy performance ang hinatid ng Sparkle 10 star sa mga Kapuso na dumalo at sumuporta sa kanila.
Jay Ortega
Isang electrifying na performance naman ang hatid ni Jay Ortega sa fans na pumunta sa Kapuso Mall Show.
Nagpapakilig
Hindi lang electrifying ang performance ni Jay, pati na rin ang pagpapakilig niya sa ilang fans.
Well-loved
Kitang-kita na well-loved si Jay ng mga Kapuso fans nang marami ang magpakuha ng litrato sa kaniya.
Aidan Veneracion
Nagbigay rin ng saya si Aidan Veneracion para sa mga Kapuso na dumalo sa naganap na mall show.
Heart and soul
Puno ng heart and soul ang naging dance performance ni Aidan. Ipinamalas niya ang galing sa pagsasayaw at unique dance moves sa mga manonood.
Bringing on the charm
Ipinamalas din ni Aidan ang kaniyang charms sa mga Kapuso fans doon na happy na makita siya.
Jeric Gonzales
Punong-puno rin ng charms ang dalang performance ni Widows' War Jeric Gonzales sa naganap na Kapuso Mall Show sa San Carlos City.
Unforgettable performance
Isang unforgettable na performance ang iniwan ni Jeric sa mga Kapuso sa San Carlos City.
Royce Cabrera
Isang showstopping performance naman ang hatid ni Royce Cabrera sa Kapuso Mall Show.
Ibang pagpapakilig
Ibang klaseng pagpapakilig naman ang dala ni Royce nang haranahin niya ang isa sa mga miyembro ng audience sa entablado.