Rayver Cruz, Kazel Kinouchi, 'Running Man Ph' stars, nagpasaya sa Kapuso Mall Show sa Batangas

Puno ng katatawanan, kulitan at saya ang dala ng Kapuso stars sa nagdaang mall show sa Lipa, Batangas. Dumalo at nakisaya ang Asawa Ng Asawa ko stars na sina Rayver Cruz at Bruce Roeland, Abot-Kamay Na Pangarap stars Kazel Kinouchi at Raheel Bhyria, at Pepito Manalotostars Jake Vargas, Sophia Señoron at Mosang.
Nakigulo rin ang kararating lang na Running Man Ph stars Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy De Santos, at Angel Guardian. Samantala, nagsilbing host naman ang Kapuso shost na si Maey Bautista.
Tingnan sa gallery na ito ang mga naging kaganapan sa Lipa Mall show ng Kapuso stars:
























