Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at ibang Kapuso singers nagbigay saya sa fans sa Tarlac
Isang masaya at hindi malilimutang mga performances ang dinala ng mga Kapuso singers na sina Psalms David, Garrett Bolden, Mariane Osabel, Martin Del Rosario, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz sa 25th Charter Anniversary sa Tarlac.
And Charter Anniversary ng Tarlac ay ginaganap tuwing April 19 at ipinagdiriwang ang pag palit ng estado ng Tarlac mula sa pagiging isang municipality para maging isang ganap na siuyadad na noong 1998.
At para makisaya, nagbigay ng magaganda at hindi malilimutang performances ang mga Kapuso singers sa mga Tarlaqueños. Tignan ang mga all-out performances nila sa gallery na ito:
Maey Bautista
Si GMA actress and host Maey Bautista ang nagsilbing host ng 25th Charter Anniversary sa Tarlac.
Wit and fun
Talas ng isip ang ginamit ni Maey para maging masaya ang buong event na siguradong hindi malilimutan ng mga Tarlaqueños.
Psalms David
Isang taos-pusong awitin naman ang hatid ni Psalms David para sa mga fans niya sa Tarlac.
Simpleng yakap
Simpleng yakap lang ni Psalms ay siguradong masaya na ang ilan sa fans niya, kahit habang kumakanta pa.
Mariane Osabel
Hindi rin nagpahuli si Mariane Osabel sa sarili niyang performance.
Mula sa puso
Hindi maiiwasan bibilib talaga ang fans ni Mariane sa Tarlac lalo na't mula sa puso ang pagkanta at performance niya.
Carried away
Siguradong carried away din ang mga manonood sa kantang handog ni Mariane at lalong bumilib ang mga ito sa husay ng Kapuso singer.
Fans
Hindi rin nakapagpigil ang ilan sa fans ni Mariane na magpa-selfie sa singer, na game naman sa picturan kahit pa habang kumakanta.
Good music and good vibes
Bukod sa magandang musika ay naghatid din ng good vibes si Garrett sa fans niya na game namang nakipag-selfie sa Kapuso soul balladeer.
Game sa photo ops
Hindi rin nagpahuli ang ilan pang mga tagahanga ni Garrett na nagpapicture sa kanya.
Martin del Rosario
Nakikanta rin ang 'Voltes V: Legacy' star na si Martin del Rosario sa Tarlac.
Looks at talent
Hindi lang guwapo looks ngunit kahit talent ay dala ni Martin para lang mapasaya ang Tarlaqueños na sumusuporta sa kanila.
Prince Zardos
Gaganap man bilang ang kontrabidang si Prince Zardos sa 'Voltes V: Legacy,' kilig naman ang dala ni Martin sa Tarlac.
Let's volt in
Siguradong napa-'volt in!' ang mga taga-Tarlac sa suportang bigay nila kina Martin at sa iba pang Kapuso singers.
Rayver Cruz
Dancer, actor at ngayon, singer, ipinamalas naman ni Rayver Cruz ang galing niya sa pagkanta sa 25th Charter Anniversary.
Napaindak
Ipinamalas din ni Rayver ang galing niya sa pagsasayaw nang magpakita siya ng ilang moves habang kumakanta at siguradong napaindak ang ilan sa mga manonood.
Picture taking
Hindi rin naman pumayag si Rayver na hindi sila makapag-picture taking ng fans niya sa Tarlac.
The Cheating Game
Sinigurado rin ng 'The Cheating Game' actor na lahat ng fans na gusto makipag-selfie ay mabibigyan niya ng chance.
Julie Anne San Jose
At siyempre, nandyan din si Julie Anne San Jose, ang partner ni Rayver in reel and real life.
Limitless star
Ipinamalas din ni Julie kung bakit siya binansagang Asia's Limitless Star sa performance niya sa 25th Charter Anniversary.
Maria Clara
Ipinakita rin ni Julie, na lalong sumikat bilang Maria Clara, kung bakit siya hinahangaan sa larangan ng pagkanta.