IN PHOTOS: Paano nga ba naging Queen of All Media si Kris Aquino?
Balikan ang naging high points ng career ni Kris Aquino at tuklasin kung paano niya nakamit ang bansag na Queen of All Media.
Blockbuster hit
Madalas nang mag-guest si Kris Aquino sa iba't ibang TV shows noong dekada 80, ngunit ang breakthrough project niya ay ang 1990 blockbuster hit na 'Pido Dida' kung saan nakatambal niya ang iconic comedian na si Rene Requestas.
Happy Ghost V
Pang-international movie din si Kris dahil nasungkit niya ang lead role sa sikat na film series na 'Happy Ghost V' kasama si Hong Kong superstar Raymond Wong noong 1991.
Genre
Gumanap din siya bilang Carmela Vizconde sa 'The Vizconde Massacre: God Help Us' ni Carlo J. Caparas noong 1993. Isa ito sa mga unang pelikulang nag-define panibagong genre na tinawag na 'massacre films.'
Massacre films
Sinundan ito ni Kris ng mga pelikulang 'The Elsa Castillo Story... Ang Katotohanan' at 'The Myrna Diones Story: Lord Have Mercy!' noong 1994.
Massacre Queen
Dahil sa sunod-sunod niyang pagbibida sa ganitong mga pelikula, binansagan si Kris bilang "Massacre Queen"
Actress
Nakatanggap si Kris ng nominasyon para sa Best Actress sa Gawad Urian Awards sa paglabas niya sa 'The Fatima Buen Story' noong 1994.
Television
Bukod sa kanyang movie career, pinasok din ni Kris ang mundo ng telebisyon. Simula 1994, nagsilbi siya bilang host ng iba't ibang mga palabas sa ilang networks tulad ng RPN, GMA, PTV and ABS-CBN.
Host
Nakilala siya bilang isa sa mga pinakamagaling na hosts ng bansa. Dahil dito, siya ang madalas maatasan bilang host ng ilang mga talk shows, showbiz-oriented shows at game shows.
Film comeback
Balik pelikula si Kris sa pelikulang 'Mano Po' noong 2002 kung saan nakatanggap siya ng ilang awards at nominations tulad ng FAMAS Award for Best Supporting Actress and Metro Manila Film Festival Award for Best Supporting Actress.
Feng Shui
Sinubukan naman niya ang horror sa pelikulang 'Feng Shui' noong 2004. Nakatanggap din siya ng nominasyon para sa Best Actress sa FAMAS Awards para sa role sa parehong taon.
Sukob
Sinundan ito ni Kris ng isa pang horror film, ang 'Sukob' noong 2006. Ito ang naging highest grossing Filipino film noong taong iyon.
Endorser
Dahil sa kanyang kasikatan, si Kris ang nanguna sa listahan ng top celebrity endorsers ng YES! Magazine noong October 2008.
Production
Bukod sa pagiging actress at host, producer din si Kris. Siya ang tumayong co-producer sa ilang pelikulang ginawa niya, pati na rin sa debut film ng anak niyang si Bimby Yap na 'My Little Bossings' sa pamamagitan ng kanyang production company na K Productions.
Pinasok na rin ni Kris ang mundo ng print! Siya ang executive editor ng kanyang sariling bimonthly magazine na 'K! The Kris Aquino Magazine.'
APT Entertainment
Kamakailan lang, ibinahagi ni Kris na pumirma siya ng kontrata sa APT Entertainment</a> matapos ang halos dalawang dekadang eksklusibong pagtatrabaho sa ABS-CBN.