LOOK: Chef Boy Logro, from dishwasher to Kusina Master
Silipin ang mga naging bunga ng pagsisikap ni Chef Boy sa kusina at telebisyon.
Chef Boy Logro
Nagsimula ​si​ Chef Pablo "Boy" Logro hindi bilang isang sikat na celebrity chef kung hindi isang dishwasher sa isang restaurant. Si Chef Boy ay nagtapos lamang ng elementarya ngunit hindi ito naging hadlang sa pagkamit ng kanyang mga pangarap.
Career
Isa sa mga dahilan ng kanyang pagsikat ay ang pagiging chef ng Sultan ng Oman. Nang bumalik si Chef Boy sa Pilipinas​ noong 1995, naging kauna-unahan siyang Pinoy executive chef sa isang 5-star hotel. Sunod naman siyang nakilala bilang isang celebrity chef sa GMA Network.
C.L.I.C.K.S.
Naging matagumpay ang kanyang career kaya naman nakapagpatayo siya ng isang culinary school para sa mga nais ring maging chef tulad niya, ang C.L.I.C.K.S. o Chef Logro's Institute of Culinary and Kitchen Services.
Food business
Nakapagpatayo rin ng ilang food business si Chef Boy Logro tulad ng Chef Logro's Grill and Buffet at 7 Flavors buffet restaurant.
TV Shows
Bumida si Chef Boy sa ilang Kapuso shows tulad ng 'Kitchen Superstar', 'Chef Boy Logro: Kusina Master' at 'Tweets for my Sweet'. Kasalukuyan namang naghahandog ng kaalaman si Chef Boy sa kanyang Sunday show na 'Idol sa Kusina' kasama si Bettinna Carlos.