Kristine Hermosa, Sunshine Dizon, Jose Manalo, at AlDub, pinag-usapan sa social media
See the stories that you missed from June 13 to June 19.
'Imagine You and Me'
Aldubnation rejoiced as the trailer for the first movie of Alden Richards and Maine Mendoza was released this June 16. 'Imagine You and Me' will be out in the cinemas on July 13.
Jose Manalo
Pinag-usapan ng netizens ang aksidenteng pagkakahulog ni Jose Manalo on live television para sa 'Juan for All, All for Juan' segment ng noontime show na 'Eat Bulaga'. Pinuri ng netizens ang pagiging professional ni Jose sa gitna ng nasabing pangyayari at napatawa ang mga manonood nang inulit niya ang kanyang pagkakahulog.
Kristine Hermosa
Sa pagbabalik telebisyon ni Kristine Hermosa para sa 'Hay, Bahay!' ibinahagi niya na wala siyang regrets sa pag-lie low sa showbiz. Aniya, “Honestly no regrets talaga. I’m very happy for them dahil nararanasan nila siguro ‘yung gusto nila. I’m not sure 'di ba, pero no regrets. Basta masaya ako sa dinaanan ko, although ibang-iba ‘yung showbiz before than now.”
Sunshine Dizon
Nagulat ang showbiz industry sa mga posts sa Instagram account ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon. Nitong Biyernes (June 18), ipinakita ni Sunshine sa ilang posts ang alleged third party sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Timothy Tan.
Aldub 11th monthsary
Sa 11th monthsary ng Aldub, nagpalitan ng nakakakilig na messages through Twitter sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Aldub theme song
Bukod sa teaser ng pelikula ng Aldub, ipinarinig na rin nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang first duet para sa 'Imagine You and Me'