What are the plans of our Kapuso celebs for the holidays?
Paano kaya nag-se-celebrate ng Pasko ang ilan sa mga Kapuso stars?
Miguel Tanfelix
"Sa amin, katulad pa 'rin ng before, 'yung Noche Buena sa bahay namin. Tapos kapag 'yung 25 na mismo, pupunta kami---hindi pa namin alam kung saan 'yung venue namin pero madalas buong clan magkakasama tapos 'yun may program." - Miguel Tanfelix
Benjamin Alves
"Sana makauwi ako (sa Guam). I have a nephew that I've never spent Christmas with so sana makauwi ako. Everyday, I get a video from my brother, he's only two years old so he's saying it broken pero humihingi ng mga gifts, mag-wi-wish list na. Sana makapunta ako doon para mabigay ko siya in person." - Benjamin Alves
Renz Valerio
"Simba po, simba, pray tapos salo-salo. Family po talaga 'yung parang share the love, kumbaga. Talagang as a family, parang lumalabas 'yung genuine na pagmamahalan." - Renz Valerio
Andre Paras
"Yung Christmas plans ko is bond with family. Siguro take them out before we have Noche Buena in our home and siguro prepare the gifts without them knowing it kasi mahilig kami na minsan its under the tree, minsan kunwari, we forget." - Andre Paras
Enzo Pineda
"Maybe I'll just do the usual. I wanna spend time with my family, Christmas is all about family so I'll give all my time to my family. And of course, when it comes to Christmas, its always about giving gifts. I think since I'm working already I want to be the one to give gifts naman. Kapag Christmas, when you're younger you expect that you're gonna receive gifts. So I want this Christmas that I'll be the one to get the things that my family wants. Secretly, surprise ko sila." - Enzo Pineda
Joyce Ching
"Usually sabay-sabay kami nagki-Christmas Eve service. 'Tas after noon dumidiretso kami sa house ng Lola ko. 'Tas 'yun sabay-sabay kami nagpe-prepare for Noche Buena. And then naghihintay ng 12 midnight but before that nagge-games kami, mga ganun." - Joyce Ching
Andrea Torres
"Usually sa bahay lang kami, importante sa amin na laging sama-sama 'yung family tapos bonding lang sa paggawa nung ihahanda sa Christmas. Ganon." - Andrea Torres
Betong Sings
"Siyempre kasama 'yung family ko. Palagi kaming nagche-check in sa hotel kasi malaking event talaga siya. Minsan lang makaranas na para mayaman ang dating ko. *laughs* Sama-sama kami, doon na kami nagluluto. Pagkatapos noon manonood ng Metro Manila Film Festival (MMFF)." - Betong
Dion Ignacio
"'Pag Christmas kasi, pumupunta kaming family sa province namin sa Laguna. Nagbo-bonding kami with relatives, ganoon lang ka-simple tapos kainan kami. Doon na din ginaganap 'yung bagong taon kasi 'pag dito sa Manila, kami kami lang pero 'pag doon sa province, sobrang saya." - Dion Ignacio
Glaiza De Castro
"Baka pumunta lang kami sa beach or mag-rent kami ng isang lugar kung saan makakapag-relax kami kasi medyo malaki 'yung pamilya namin so we need a big venue. So 'yon, relax lang." - Glaiza De Castro
Jake Vargas
"Siguro kasama ko 'yung family ko sa bahay lang. Maghahanda kami tapos after siguro ng Christmas, lalabas kami buong family. Magluluto, mag-iingay at magpapaputok." - Jake Vargas
Louise Delos Reyes
"This Christmas kasi, I think I'm going to the States pero iba kasi 'yung Pasko 'pag dito sa Pilipinas eh. So I'm still thinking kasi ini-invite naman ako ng mga kamag-anak ko. Maybe before Christmas, I can go there and visit them. I just want it to be simple with my family; simple dinner. 'Yung traditional Pinoy-style Christmas." - Louise Delos Reyes
Rita Daniela
"Well, kasi 'yung parents ko, nine sila na magkakapatid. Every year, nagkakaroon kami ng meeting every November 1 tapos nag-iisip na kami ng motiff namin, anong suot namin, isang color ba sa isang buong family or different colors per family. So masaya 'yung planning pero actually ngayon medyo mahihirapan kami kasi parang ano pa ba 'yung hindi natin nata-try? Siguro hindi lang namin na ta-try 'pag Christmas is talagang costume kasi that's for Halloween but why not? Never pa namin napa-plan mag-Christmas out of town kasi 'yung bond namin ng family sobrang attached na so ine-expect na namin 'yan always na magpa-plan kami; kahit paulit-ulit okay lang kasi masaya at saka may nadadagdag sa amin every year." - Rita Daniela
Sef Cadayona
"Medyo old school kami diyan kasi ever since naman, bahay lang talaga, hindi kami nagse-celebrate sa labas. Depende na lang kung kaninong Tito or Tita, last Christmas kami 'yung nag-host pero 'di ko lang alam ngayon. Para sa amin, hindi kami umaalis sa ganoong tradition kasi mas nararamdaman namin 'yung pasko kapag magkakasama kaming lahat sa pamilya." - Sef Cadayona
Chef Boy Logro
"May gathering kami, kanya-kanyang pasiklaban [ng specialty]. Pagkatapos, pagsasaluhan. Talagang bonding, kakanta ako kahit sintunado, pinagkakatuwaan nila." - Chef Boy Logro
Kristoffer Martin
"Umuuwi lang sa Olongapo, nandoon kami lahat. Tapos 'yung family sa father and mother's side, nasa isang bahay lang. Doon lahat nagpupuntahan. Usually ang host, kami." - Kristoffer Martin