BB Gandanghari, inalala ang "araw ng kamatayan ni Rustom"
"Today, I celebrate my [eighth] year of existence and boy, what a journey it has been." - BB Gandanghari
Ngayong araw, January 16, 2017 ang ika-walong taon ng kamatayan ni Rustom Padilla at ang araw ng kapanganakan ni BB Gandanghari. 'Yan ang suma tutal ng nilalaman ng Instagram post ni BB.
BB wrote: "On Jan 16, 2009, many of you may have seen or watched the arrival of BB. Gandanghari at the Ninoy Aquino International Airport declaring at the same time, "Rustom is dead." Today, I celebrate my [eighth] year of existence and boy, what a journey it has been."
Sa caption din ni BB, mayroon siyang binanggit na "answered prayer" bagamat hindi na niya ito idinetalye pa.
Kamakailan ay naging laman ng balita si BB matapos nitong magbahagi ng isang hindi magandang karanasan kung saan siya binastos umano ng isang babae sa sarili niyang dinner.
Sa ngayon ay nasa America si BB at nag-aaral sa UCLA.
MORE ON BB GANDANGHARI:
BB Gandanghari, haharapin ang 2017 nang may bagong sigasig