Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Mocha Uson to her bashers: "Salamat ng marami"

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: March 5, 2020, 10:45 PM

Nanumpa at opisyal na board member na ng Movie and Television Review and Classification Board si Mocha. 

Opisyal nang nanumpa ang controversial blogger at sexy entertainer na si Mocha Uson kahapon, January 9 sa Malacañang  bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).  

Ayon sa kaniyang post sa Facebook, hindi naiwasan ni Mocha na maging emosyonal na ang tulad daw niyang ordinaryong tao ay nabigyan ng ganitong pagkakataon.

Aniya, “Hindi ko po napigilan na maluha habang nanunumpa sa harap ni Tatay Digong kasama pa ang ibang mga appointees sa Malacanang. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad ko na ordinaryong tao at minamaltrato ng mga elitista ay nabigyan ng pagkakataon na manilbihan sa ating gobyerno.”

“Tagumpay natin ito mga ka-DDS! Isang karangalan ang maging kabahagi ng isang administrasyon na tunay na naglilngkod sa bayan. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng gobyerno ang Pilipinas na ang pinagsisilbihan ay ang ordinaryong mamamayan.”

Nag-iwan din ng mensahe si Mocha para sa mga bashers niya at nangako ito na pag-aaralan mabuti ang trabaho sa MTRCB.

"At para sa mga bashers ko, salamat ng marami dahil sa inyo akin pong pag-aaralan ng maigi ang sakop ng pagiging MTRCB board upang matutunan ang lahat ng kailangang matutunan at dodoblehin ko po ang pagtratrabaho ko po para sa bayan.”

Noong nakaraang buwan napili rin ang former sexy star bilang ambassador ng 2016 Metro Manila Film Festival.

 

MORE ON MOCHA USON:

News of Mocha Uson's alleged appointment in the Bureau of Customs creates buzz in Twitterverse
  
READ: Why did Regina Belmonte call Mocha Uson "garbage?"

Mocha Uson on MTRCB appointment: "Wala po akong tatanggaping suweldo"

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.