Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

MUST-WATCH: Paano ginawa ang pinagsamang live-action at animated film na 'Saving Sally?'

By CHERRY SUN
Updated On: March 11, 2020, 04:49 PM

Mapapanood niyo ang pelikulang ito sa December 25. 

Hindi pangkaraniwan at masasabing una sa Pilipinas ang pinagsamang live-action at animated genre ng pelikulang Saving Sally. Paano nga ba ginawa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na ito na magkahalo ang totoong mga artista at animation sa mga eksena?

Ibinahagi sa Facebook page ng pelikula kung paano nila diniskartehan ang pagsu-shoot ng Saving Sally. Mapapanood sa video kung paano umarte sina Rhian Ramos at Enzo Marcos sa mga eksenang meron silang kayakap at kausap, at pati na sa mga tagpong may mga bagay na pinakikilos ng mga iginuhit lamang na characters.

Paliwanag nila sa kanilang post, “This is Chroma Man. He is our friend. Our friend is awesome!”

 

Dahil sa ibang technology naginamit at masalimuot namga detalye, umabot ng sampung taon bago matapos ang Saving Sally. Ani Rhian sa isang panayam ay magugustuhan din ito ng mga batang manonood at mga young at heart dahil puno rin ang pelikula ng imahinasyon.

MORE ON SAVING SALLY:

WATCH: Why 'Saving Sally' is the "perfect abangers movie"

READ: Rhian Ramos talks about the difference of 'Saving Sally' from her other projects

WATCH: Trailers of MMFF 2016 official entries

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.