Boobay, malapit nang makalabas ng ospital
Get well soon Boobay!
Mahigit isang linggo na simula nang ma-ospital si GMA comedian Boobay o Norman Balbuena matapos ma-stroke.
Patuloy namang nagbibigay ng updates tungkol sa komedyante ang kanyang boyfriend na si Kent Juan Resquir.
Ayon kay Kent, sumasailalim si Boobay sa speech therapy at malapit na raw itong makauwi.
Samantala, patuloy naman bumubuhos ang mga dasal at suporta mula sa mga kaibigan ni Boobay sa industriya tulad nina Marian Rivera, Allan K, Carla Abellana at Ate Gay o Gil Morales.
Para lubos na maintindihan ang kalagayan ng komedyante, narito ang feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol kay Boobay at sa peligro ng stroke.
Video from GMA Public Affairs
MORE ON BOOBAY:
Boobay, nagpapagaling sa ospital matapos ma-stroke
READ: Boyfriend ni Boobay, nagbigay ng updates sa lagay ng komedyante matapos ma-stroke