Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Direk Erik Matti, ipinagtanggol ang indie films

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: March 2, 2020, 09:52 PM

Hot topic ngayon online ang naging pahayag ng movie producer at Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde patungkol sa indie films. Kaya naman sa isang mahabang pahayag sa Facebook, ipinagtanggol ng beteranong direktor ang indie films at mga producer nito. 

Hot topic ngayon online ang naging pahayag ng veteran movie producer at Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde patungkol sa indie films.

Hindi nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula niyang Mano Po 7: Chinoy at sa halip ay maipapalabas ito sa mga sinehan sa darating na December 14.

Nag-comment kasi si Mother Lily at sinabi nito sa isang panayam na, "There is a time for the indie movies. But not during the Christmas season. Christmas is for the family."

Bukod sa Mano Po, hindi rin mapapanood ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Bossing Vic Sotto sa MMFF. 

Maraming fans ng nakasanayang entries sa MMFF ang tila sumangayon sa saloobin ni Mother Lily at nag-ingay sa social media.

Tila hindi naman nagustuhan ni Direk Erik Matti ang mga naging pahayag ng mga ito at sa isang post sa Facebook ay ipinagtanggol niya ang indie films. Si Erik Matti ang naging direktor sa Tiktik: The Aswang Chronicles at Kubot: The Aswang Chronicles 2 na pinagbidahan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ani Direk Erik, “Hinay hinay sa paghamak at paginsulto ng salitang INDIE na parang ito'y may ketong na dapat layuan. Ang indie at mainstream ay parehong pelikula rin lang at wag na po ihiwalay sa isa't isa. Ang indie, tulad ng mainstream, ay pwedeng malalim o mababaw, matalino o stupido, nakakatawa o nakakaiyak, commercial o artistic, pambata o pangmatanda o panghugot, cheap o big budget. Pareho pong pelikula yan." 

Dagdag pa niya, “Panoorin n'yo muna ang mga pelikulang napili sa #MMFF. Merong pagbabagong naganap sa #MMFF2016. Bigyan naman natin ng chance na umubra bago husgahan. Lalabas din naman si Vice, si Vic at si Chinoy kahit di nakasali e.” 

 

 

Sa isa niya pang post sa Facebook ngayong Huwebes, November 24, ipinaliwanag ni Direk Erik Matti ang hirap ng paggawa ng pelikula at kagustuhan nila na mga Indie producers na mapanood ng nakararami ang mga kanilang nilikhang pelikula. 

 

Saad niya, “Indie producers kami. Hindi kami kalakihang studio. We independently produce our movies na walang may ibang nagcocontrol kundi desisyon lang naming dalawa. Yan ang pagiging indie namin.” 

“Pero sa aming mga puso, kami ang indie producer na gustong gusto talaga naming mapanood ang aming mga sine ng nakakarami sa ating mga sinehan. Ang kinalakihan namin ay ang manood ng sine sa loob ng sinehan. Kaya ako naging director kasi gusto kong mapanood ang sine ko ng mga tao sa sinehan.” 

More on 2016 MMFF:

Direk Erik Matti, happy with MMFF 2016 lineup

LIST: 4 na inaabangang pelikula na hindi nakapasok sa MMFF 2016 

Related Videos
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.