Sino-sino ang mga celebrities na dadalo sa debut ni Gabbi Garcia?
Ayon kay Gabbi, maliban sa kaniyang ama at mga lolo, parte daw ng 18 roses ang kaniyang mga Encantadia co-stars.
Habang palapit ng palapit ang debut ni Gabbi Garcia na pinamagatang #SincerelyGabbi, madami ang naku-curious na malaman kung sino ang mga celebrity guests na dadalo sa kaniyang kaarawan. Kaya't sa press conference para sa kaniyang debut, hindi pinalampas ng mga miyembro ng media na tanungin ang Kapuso princess tungkol sa kaniyang mga celebrity guests.
A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on
Ayon kay Gabbi, maliban sa kaniyang ama at mga lolo, parte daw ng 18 roses ang kaniyang mga Encantadia co-stars.
"Andoon sina Rocco Nacino, Pancho Magno, Carlo Gonzales, at siyempre si Ruru (Madrid) andoon din, 'di mawawala," saad ni Gabbi.
Maliban sa mga Kapuso stars, mayroon siyang very special guest na mula pa sa ABS-CBN.
Aniya, "Close friend ko talaga si Julia (Barretto) so surely, she'll be there. She's part of the 18 candles and nag-confirm naman siya sa akin na pupunta siya."
Ang #SincerelyGabbi ay nakatakdang maganap on December 6 sa Marriot Hotel at dalawa sa kaniyang gowns ay idinesenyo ni Mark Bumgarner.
MORE ON GABBI GARCIA:
IN PHOTOS: Gabbi Garcia's pictorial for her upcoming debut, #SincerelyGabbi