EXCLUSIVE: Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, LJ Reyes at Martin del Rosario, sumabak na sa taping ng 'Pinulot Ka Lang sa Lupa'
Mag bagong drama na namang aabangan sa Kapuso network.
Binisita ng GMANetwork.com ang set ng Pinulot Ka Lang sa Lupa para sa unang taping day ng lead stars nito na sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, LJ Reyes at Martin del Rosario.
Heavy drama ang tema ng soap pero masaya si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne dahil kakaibang proyekto ito para sa kanya at halos lahat sa cast ay hindi pa niya nakakatrabaho.
“Happy naman ako kasi naka-work ko naman si Martin before sa Buena [Familia]. Si LJ [ay] first time ko makaka-work, even si Ms. Jean Garcia [at] Victor Neri. Si Ms. Candy Pangilinan [ay] naka-work ko na siya pero sa mga small projects lang,” saad ng lead actress na gagampanan ang papel ni Santina.
Walang halong pressure ang pagsagot ng Kapuso star, “It’s always fun at work at saka ini-enjoy ko naman ‘yung ginagawa ko, especially kapag ‘yung vibe ng set [ay] palaging masaya at saka you’re always around with good people. Na-i-influence ka dun nila sa mga bagay na dapat matutunan.”
Nag-workshop raw sila ng kanyang leading man sa direksyon ni Gina Alajar at acting coach na si Ann Villegas, “More on relationship exercises kasi kami and ‘yung character analysis talaga kasi ‘yun ang importante talaga.”
Bago pa man napili ang bagong Kapuso love team para gumanap sa roles nina Santina Marquez at Ephraim Esquivel, nagsama na sila sa isang episode ng Maynila, sa workshops at sa “Naririnig Mo Ba” music video ng singer-actress.
“We’ve developed rapport, deeper friendship before the music video, [and] I’m looking forward to working with her now,” saad ni Benjamin.
Excited rin siya sa intense scenes nila ng kanyang kaibigan na si Martin, “I admire his work, he’s an award-winning actor. I’ve seen him in a workshops, [and] I’ve seen his work in GMA. I know what he can bring to the table, and I’m sure he’s [going to] bring something different with this one.”
Ready na siya ulit sumabak sa drama kasama si LJ na nakatrabaho niya na dati sa Magpakailanman at Wagas.
MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':