WATCH: Paolo Ballesteros, wish na makapasok sa Metro Manila Film Festival ang 'Die Beautiful'
Hiling ni Paolo na sana magkaroon din ng chance ang mga Filipino na mapanood ang 'Die Beautiful.'
Matapos ang kanyang panalo bilang Best Actor sa Tokyo International Film Festival (TIFF), nais naman ni Paolo Ballesteros na sana ay makapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanyang pelikulang Die Beautiful.
Sa kanyang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ni Paolo kung paano siya pinabalik sa Japan para sa awards night ng TIFF. Single entry lamang daw ang kanyang visa kaya hindi niya inasahang makakabalik siya agad sa Tokyo. Ngunit laking gulat din daw niya na ayos na ang kanyang panibagong visa at plane ticket.
Aniya, “Tinawagan nila ako the night before the awards night. Ang sabi kailangan ko bumalik ng Japan. Tinanong ko syempre, bakit? Eh sabi nila parang magpa-parade, parang magre-red carpet ulit, ganun.”
“Akala ko kasi magju-Julia Roberts ako. Baka, inisip ko alam mo ’yun, para pang surprise sa mga tao kasi pumatok ‘yung Angelina,” patuloy ng dabarkads.
Sinabihan din daw si Paolo na huwag sabihan ang Team Die Beautiful na bumalik siya sa Tokyo. Kaya naman, ang kanyang direktor na si Jun Lana ay na-sorpresa rin.
Natatawa niyang pag-alala, “Eh dumating ako doon sa Japan ng mga parang mga alas dose, ala una na ng madaling araw. So 1 A.M., sinabi niya sa akin na, ‘Did you tell them? Did you say something?’ Sabi ko, ‘No. Why, what’s happening?’ ‘Because you won the best actor.’ Sabi ko, ‘Why did you tell me? Bakit mo sinabi sa akin?’”
Hindi akalain ni Paolo na ang unang acting award niya ay makukuha niya sa isang international film festival. Ang wish naman niya ngayon ay sana ay makapasok naman sa MMFF ang kanyang pinagbidang pelikula.
Wika niya, “Since it was greatly received nga by the Japanese audience, sana ‘yung sariling atin din naman, magkaroon din ng chance na mapanood ‘yung pelikula namin.”
Video from GMA News
MORE ON PAOLO BALLESTEROS:
IN PHOTOS: Paolo Ballesteros wows the crowd as Julia Roberts at the 2016 TIFF awarding ceremony
WATCH: Paolo Ballesteros's acceptance speech for his Best Actor win at 2016 TIFF