The Dawn, magtatanghal ng anniversary concert sa November 5
Magtatanghal ang The Dawn ng espesyal na concert na pinamagatang 'Trenta/Repeat' bukas, November 5 sa Music Museum.
Thirty years nang gumagawa ng musika ang Pinoy rock band na The Dawn!
Kaya naman para ipagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo, magtatanghal sila ng espesyal na concert na pinamagatang Trenta/Repeat.
Mapapanood ito bukas, November 5, 9:00 pm sa Music Museum.
Bukod sa mga bagong awit ng grupo, asahan din ang ilang hits mula sa simula ng kanilang career tulad ng "Salamat", "Iisang Bangka" at "Enveloped Ideas."
Samantala, mapapanood ang bokalista ng The Dawn na si Jett Pangan sa GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. Tunghayan ito, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama!
MORE ON JETT PANGAN:
EXCLUSIVE: Jett Pangan celebrates 30 years with The Dawn
Jett Pangan on working with Marc Abaya: 'It's gonna be fun. Diversity 'yan eh!'