WATCH: Andrea Torres, napiling bridesmaid ni Rochelle Pangilinan sa kasal nila ni Arthur Solinap
Isa si Andrea Torres sa mga malalapit na kaibigan ni Rochelle Pangilinan sa showbiz. Kaya hindi na nakapagtataka na pinili siyang bridesmaid ng Encantadia star sa nalalapit nitong kasal kay Arthur Solinap.
Isa si Andrea Torres sa mga malalapit na kaibigan ni Rochelle Pangilinan sa showbiz. Kaya hindi na nakapagtataka na pinili siyang bridesmaid ng Encantadia star sa kasal nito kay Arthur Solinap.
"Si Rochelle kasi para ko na 'yang nanay na ate na best friend. Talagang napakalaki ng naitulong niya sa buhay ko," kuwento ni Andrea kay Nelson Canlas ng 24 Oras.
Bukod dito, malaki rin ang pasasalamat ni Andrea sa mga patuloy na nanonood ng primetime series na Alyas Robin Hood, lalo na't mataas ang ratings nito.
WATCH: Taos-pusong pasasalamat mula sa GMA Telebabad
"We're very grateful talaga kaya we try to keep in touch talaga doon sa mga tao na nagtu-tweet, na nagpaparamdam sa social media. Tina-try namin kung puwede everyday makausap namin sila and masabi namin na thankful kami."
Dagdag pa niya, "Siyempre sa mga viewers, kasi unexpected 'tong nangyari. Lahat kami, sobrang saya namin na tinatangkilik nila, maganda 'yung ratings. At the same time, ang ganda rin ng aura sa set. Lahat nag-eenjoy at nakatawa lang."
MORE ON ANDREA TORRES:
WATCH: Hot weather report ni Andrea Torres sa 'Bubble Gang', umabot ng 1M views