Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Bettinna Carlos, nag-alok ng baking class kay Neri Naig-Miranda

By ANN CHARMAINE AQUINO
Updated On: March 4, 2020, 04:20 PM

Maging ang mga netizens, agree na si Bettinna ang dapat lapitan ni Neri for baking lessons.

Nagpahayag ng interes na matuto sa pagbi-bake ang asawa ni Chito Miranda na si Neri Miranda sa kanyang Instagram account. Sa kanyang post, inilahad ni Neri ang kanyang kuwento kung bakit gusto niyang sumabak sa isang short baking course.


Dagdag ni Neri sa kanyang caption, "Gusto ko talagang seryosohin 'yung pag be-bake. Kaya habang waiting ako kay Little Chito, gusto ko sanang mag aral ng pagbe-bake. Sa Food Channel lang kase ako gumagaya kung paano mag-bake."

Ibinahagi rin ni Neri na nais ni Chito na mag-aral siya ng baking pagkatapos ipanganak ang kanilang baby boy. Pero mas gusto ni Neri ituon ang kanyang atensyon sa kanilang anak sa mga oras na 'yun.

Chito Miranda and NeriNaig reveal their baby's gender

"Gusto ng asawa ko after ko ng manganak, mukhang malabo na 'yun kase tutok na ako kay baby. Ayaw kong iwan lang baby ko baka di ako mapalagay, 'haha!" saad ni Neri.

Mabilis namang nag-alok ang Kapuso star na si Bettinna Carlos ng tulong sa pagbi-bake kay Neri.

Bettinna Carlos revels in being called a Teacher

 

Ilang mga netizens rin ang nagsabi na si Bettinna ang dapat lapitan ni Neri. Samantalang ang iba naman ay natuwa sa magiging baking class lalo na't nakita nilang game si Bettinna na turuan si Neri.

MORE ON BETTINNA CARLOS AND NERI NAIG-MIRANDA:

READ: Bettinna Carlos reveals she belongs to a second family

Neri Naig-Miranda, ayaw sa tamad at madrama

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.