WATCH: CCTV footage ng mga huling sandali ni Aurora Moynihan, ang napaslang na kapatid ni Maritoni Fernandez
Droga pa rin ang pinakamalakas na motibo kaya pinatay si Aurora Monihan.
Ipinakita na sa ulat ng 24 Oras ang CCTV footage na naglalaman ng mga huling sandali bago pinatay si Aurora Moynihan, kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez.
Ayon sa ulat ni Ivan Mayrina, isang sasakyan ang nakitang pumarada sa Temple Drive ilang minuto bago mag-alas dos ng madaling araw nitong Sabado, September 10. Malayo at malabo man ang kuha ng CCTV ngunit aninag dito ang pagbaba ng isang tao.
“Bumaba, nakita natin parang ganun eh, and then tumumba. So the likeliness is doon siya (Aurora) pinababa and then binaril siya,” paliwanag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Senior Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar.
Dagdag pa niya, “Merong eye witness accounts actually, dalawa. Nakitang dumaan ‘yung sasakyan and then sunod-sunod na putok [ng baril].”
Makalipas ang humigit-kumulang tatlumpung segundo lang mula nang pumarada, makikita sa CCTV footage na humarurot na palayo ang sasakyan.
Ayon sa parehong ulat ay hindi pa lumabas ang autopsy report sa labi ni Aurora ngunit hindi raw bababa sa limang tama ng bala ang kanyang natamo. Limang basyo rin ng kalibre 40 ang natagpuan sa crime scene.
Wala sa drugs watchlist ng QCPD si Aurora ngunit ang anggulong sangkot siya sa droga ang lumalabas na pinakamalakas na motibo para siya ay patayin.
“Since we’ve established na meron siyang prior involvement with illegal drugs and nakita rin nating meron siyang grupong kasama noon, ‘di ba, doon sa Taguig. So ngayon, puwede nating sabihin na malaki ‘yung possibility na sa drugs itong pangyayaring ito,” pahayag ni P/Sr. Supt. Eleazar.
“Ang mga sumasali sa parties naman is mga affluent members of the community and that includes celebrities,” dugtong niya patungkol sa karatulang natagpuan sa labi ni Aurora.
Nauna nang nagbigay ng pahayag si Maritoni na humihingi ng panahong magluksa sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Video courtesy of GMA News
MORE ON AURORA MOYNIHAN:
READ: Kapatid ni Maritoni Fernandez, pinatay; sangkot diumano sa iligal na droga
READ: Maritoni Fernandez releases oficial statement on sister’s death