Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Stand-up comedian na si Super Tekla, nami-miss ang kanyang anak na malayo sa kanya

By CHERRY SUN
Updated On: February 18, 2020, 02:11 PM

Kilalanin si Super Tekla!

Namayagpag sa ratings at hanggang ngayon ay pumupukaw pa rin ng atensyon ng mga netizens ang episode ng Wowowin noong August 12. Marami kasi ang naaliw at naantig sa kuwento ng buhay ng Will of Fortune contestant, ang stand-up comedian na si Super Tekla.
 
Ayon sa NUTAM, nalagpasan ng Wowowin ang mga kakumpitensya nitong programa sa ibang istasyon. Ang video ni Super Tekla sa YouTube ay trending pa rin at patuloy na umaani ng page views. As of writing ay mahigit 635,000 na ang page views nito.

 


Ito ay marahil sa pag-open up ni Super Tekla na isang tubong Mindanao at galing sa tribo ng mga Manobo, ayon sa kanyang introduction sa programa.
 
Aniya, “Pagkakataon ko po ito na dito ko po maihahayag ‘yung katotohanan.”
 
“Sir Wil, lalaki po talaga ako. Wala pong halong biro ‘yan, lalaki po ako. I’ve been married for 10 years. Babatiin ko lang po siya. Mahal na mahal kita, Lando,” dugtong niya.
 
Sinubukan pa ring magpatawa ng stand-up comedian kahit nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Ikinuwento niya kung paano siya namumuhay na malayo sa mga mahal niya sa buhay.
 
Patuloy ni Super Tekla, “Kidding aside, gusto ko lang pong batiin. Ito Sir Wil, totoo po talaga. May asawa po ako nasa Jeddah ngayon, si Ms. Irene Gonzales. May baby po kami isa, 8 years old in real life po ha, totoo. Nagkahiwalay na po kami for 3 years. Gusto ko lang po batiin ‘yung baby ko.”
 
Paliwanag din niya, “Nagpapasaya kami ng libu-libong tao, pero… Aira, sorry hindi nakarating si daddy sa birthday mo. I love you. Mahal na mahal ka ni daddy. Nag-failure man si daddy, ’nak, babangon si daddy. Uwi ako December, ‘nak.”
 
Nagpaabot din siya ng mensahe kay Irene.
 
“Mommy, ok ka lang d'yan sa Jeddah ah. Mag-ingat ka d'yan. Aantayin kita. Kung ano man ‘yung pagkakamali ko, tuwid natin and then start [again],” wika ni Super Tekla.
 
Sa parehong programa ay tinanong din ni Willie Revillame kung nais ba ni Super Tekla na maging bahagi ng kanyang programa.

 

 

 


MORE ON 'WOWOWIN':
 
EXCLUSIVE: Kilalanin si Shayne Jones, ang unang mega jackpot grand winner ng 'Wowowin'

WATCH: Wowowin contestant na look-alike ni Lovi Poe, nadiskubre sa pagtitinda ng balut

 

 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.