Rhian Ramos flies a plane!
Bumisita ang aktres sa Asian Institute of Aviation sa Subic at nagbahagi siya ng isang larawan kung saan makikitang nasa loob siya ng cockpit.
Ayon sa isang Instagram post ni Kapuso actress Rhian Ramos, nakapagpalipad na raw siya ng isang eroplano!
Sa larawang ibinahagi niya, makikitang nasa loob ng cockpit si Rhian.
Bumisita ang aktres sa Asian Institute of Aviation sa Subic. Tila para ito sa motoring show nila ni Sam YG na Full Throttle.
May post din kasi si Sam sa parehong lugar at oras kung saan sinubukan din niyang magpalipad at mag-landing ng eroplano.
A photo posted by Sam YG (@_samyg) on
Talagang puno ang kalendaryo ni Rhian dahil busy din siya sa kanyang bagong GMA Afternoon Prime drama na Sinungaling Mong Puso. Katatapos lang ng pilot week nito at marami na ang pumupuri sa husay ng pag-arte ni Rhian sa serye.
Tunghayan si Rhian bilang si Clara sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON RHIAN RAMOS:
12 stunning photos of FHM cover girl Rhian Ramos
EXCLUSIVE: Rhian Ramos inulan ng projects pagbalik mula sa Europe