EXCLUSIVE: Rafael Rosell, handang maikumpara kay Gabby Concepcion
"I expected na of course, magiging compared to Sir Gabby." - Rafael
Nag-e-enjoy raw si Kapuso actor Rafael Rosell sa pagganap sa kanyang karakter na si Roman sa GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso.
Pero ano kaya ang first impression niya nang una niyang mabasa ang tungkol sa kanyang role?
WATCH: Sinumpaang pag-ibig o wagas ngunit maling pagmamahal?
"I have a tendency not the judge the character so I check how fun it will be to portray. Para sa akin kasi, the more evil a character is, the more fun," kuwento ni Rafael sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
"I think 'yung character ko, I have to deal with masks dahil there's an exterior and an interior emotion. Behind closed doors, I think ilalabas ni Roman 'yung totong pagkatao niya. Tapos sa labas, in public, he shows a different side of him," paglalarawan niya sa karaketer.
Ang duality na ito raw ang magiging hamon sa kanya bilang isang aktor.
"I think the challenge there is gonna be kung paano ihalo and i-fuse 'yung dalawa na 'yun para magtugma at ipakita na isang tao lang ang dumadaan sa mga ganitong emosyon at intensyon," paliwanag niya.
Dahil isang TV adaptation ng award-winning 1992 film na Sinungaling Mong Puso ang serye, handa na rin daw si Rafael na maikumpara kay Gabby Concepcion na orihinal na gumanap kay Roman.
"I expected na of course, magiging compared to Sir Gabby. It helped a lot na nakatrabaho ko siya sa previous soap ko which puts me in a friendly level sa kanya. I can ask him for advice if needed," aniya tungkol sa kanyang Because of You co-star.
Pero hanggang maaari, gusto raw ni Rafael na buuin ang karakter nang walang ibang impluwensiya.
WATCH: Ang obrang pelikula, isang de-kalibreng drama na sa telebisyon
"As much as possible, hindi ko pinanood 'yung dating pelikula. I saw clips of the trailer lang. I think I'm gonna try to build up Roman through my eyes, my impression muna. Eventually, kung mahirapan man ako, I'll check out the movie siguro. Gusto ko kasi blank canvas muna," bahagi niya.
Subaybayan ang pagbuo ni Rafael sa kanyang karakter na si Roman sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON RAFAEL ROSELL:
Gabby Concepcion, malaki ang tiwala kay Rafael Rosell sa 'Sinungaling Mong Puso'
Rafael Rosell, umaming labas sa kanyang comfort zone ang bagong role