Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

EXCLUSIVE: Ano ang natutunan ni Bea Binene sa 'Hanggang Makita Kang Muli'?

By MARAH RUIZ
Updated On: March 11, 2020, 05:01 AM

"Kailangan mas maging grateful tayo sa mga blessings na nasa atin kasi we're very lucky." - Bea Binene

Ngayong nag-wrap up na sa taping ang GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli, maraming naiuwing mga karanasan, emosyon at leksiyon ang mga gumanap dito. 

Kaya naman tinanong namin sa lead actress nitong si Bea Binene kung ano nga ba ang natutunan niya mula sa kuwento nito?

Hanggang Makita Kang Muli: Mapapahamak si Angela

"Kailangan mas maging grateful tayo sa mga blessings na nasa atin kasi we're very lucky. We're still lucky na meron nga tayong mga problema sa buhay, meron pa rin palang mas worse ang pinagdadaanan kaysa satin," sagot niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Tumatak naman ng lubos kay Bea ang buong serye.

"Siguro masasabi ko po na lahat memorable. From being the dog to naging malinis ka pero aso ka pa rin hanggang pagsasalita ni Angela ngayon, memorable 'yun lahat," paliwanag niya.

Talagang in-enjoy ni Bea ang pagganap sa isang feral child. Pero aminado din siya sa ginhawag naramdaman niya matapos ang transformation nito.

"Hindi ko malilimutan 'yung feeling na hindi ko na kailangan pang mag-makeup para sa pagiging feral. 'Yun, sobrang sarap sa pakiramdam. Dugyot kasi ng feeling [ng full body makeup]," kuwento niya.

Hanggang Makita Kang Muli: Angela visits her old home

Ngunit sa pisikal na aspeto lang nabawasan ang hirap ng pagganap sa role. 

"Nandoon pa rin talaga 'yung pressure kasi kahit ano namang gawin, kahit naman matino na si Angela, kailangan marami pa rin siyang pinagdadaanan," pagtatapos ni Bea. 

MORE ON BEA BINENE: 

Paano nagsimula ang bag business ni Bea Binene

Bea Binene says she will miss her 'Vampire Ang Daddy Ko' co-stars

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.