'The Millionaire's Wife' stars, nag-videoke pagkatapos ng huling araw ng taping
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng The Millionaire's Wife, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA Afternoon Prime.
Ipinagdiwang ng cast at crew ng GMA Afternoon Prime series na The Millionaire's Wife ang huling araw ng kanilang taping sa pamamagitan ng pagkanta sa videoke.
Sa isang Instagram post na ibinahagi ng lead actress ng serye na si Andrea Torres, makikitang bigay na bigay ang kanyang co-star na si Mike Tan sa pag-awit ng kantang 'Magasin' ng Eraserheads.
A video posted by Andrea Torres (@andreaetorres) on
Nag-post din si Mike ng isang video kahawig ng kay Andrea.
Last night's #TeamMillionaire party right after our last taping day for #TheMillionairesWife
A video posted by Mike Tan (@imiketan) on
Kuha ito sa cast party ng The Millionaire's Wife na ginanap matapos nilang ma-kumpleto ang mga taping para sa serye.
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng The Millionaire's Wife, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON THE MILLIONAIRE'S WIFE:
What makes Andrea Torres different accoring to Mike Tan
Jaclyjn Jose reveals reason why she accepted 'The Millionaire's Wife'