LOOK: 'Trumpets' music producer Sak Noel, nagustuhan ang dance video ng Sexbomb Girls
Labis naman ang tuwa ng tumatayong lider ng grupo na si Aira Bermudez sa ginawang pagkilala sa kanila ni Sak.
Kamakailan lang ay pinatunayan ng Sexbomb Girls na wala pa rin silang kupas pagdating sa dance floor. Sa katunayan nga ay maraming netizens ang natuwa sa kanilang version ng sikat na #TrumpetsChallenge.
WATCH: Sexbomb Girls, hindi nagpatalo sa #TrumpetsChallenge
Isang araw matapos kumalat sa social media ang dance video ng Sexbomb Girls ay napanood na agad ito ng music producer ng "Trumpets" na si Sak Noel. Sa nasabing Instagram video ng all-female dance group mismo nag-comment ang sikat na DJ.
Labis naman ang tuwa ng tumatayong lider ng grupo na si Aira Bermudez sa ginawang pagkilala sa kanila ni Sak. "OMG! Thank you @saknoel for noticing our video. I am [a] fan of your song! Hope I can do a collaboration with you when you visit our country! We love you," saad niya sa kanyang post.
MORE CELEBS DOING THE #TRUMPETSCHALLENGE:
WATCH: 'Bubble Gang' ladies todo hataw para sa #TrumpetsChallenge
WATCH: Jennylyn Mercado, sumali sa #TrumpetsChallenge
WATCH: Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon, nagtambal sa #TrumpetsChallenge!