Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Eunice Lagusad, ipinagdiwang ang kanyang 18th birthday

By MARAH RUIZ, Interview by FELIX ILAYA
Updated On: February 20, 2020, 06:55 PM

Kasama sa kanyang mga bisita ang ilang mga nakatrabaho niya tulad nina Joyce Ching, Avery Paraiso, Miggy Jimenez at Ella Cruz. 

Ipinagdiwang ni Kapuso actress Eunice Lagusad ang kanyang ika-18 kaarawan noong May 18. Nagbigay siya ng ilang detalye tungkol dito sa ginanap na Artist Center Socials, kahapon, May 19.

"Masaya po. Marami naman po nagpunta [na] mga close friends, family, classmates," pahayag ni Eunice sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

IN PHOTOS: Artist Center Socials brings together celebrities and GMA executives

Kasama sa kanyang mga bisita ang ilang mga nakatrabaho niya tulad nina Joyce Ching, Avery Paraiso, Miggy Jimenez at Ella Cruz. 

Wala naman daw theme ang kanyang debut, ngunit hinaluan niya ito ng mga bagay na kinahihiligan niya. 

"Fuchsia pink 'yung gown ko. Pero 'yung mga bisita, nag-black and white po sila. 'Yung cake ko, unicorn," aniya.

Isang tipikal na teenager si Eunice kaya kung hindi siya nag-aaral o nagte-taping, busy siya sa kanyang mga social media accounts. Bukod dito, lumalabas din siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Sina Ate Joyce po, minsan po niyaya po niya ko mag-church. Tapos manood ng movies," bahagi niya. 

IN PHOTOS: Second Artist Center Socials introduced a new batch of talents

Bukod sa pag-arte, marami pa raw nais ma-achieve si Eunice.

"Gusto ko pong magtrabaho pa ng magtrabaho. Kahit hindi man po sa showbiz, pero gusto ko pa rin po sa linya ng showbiz bilang dito naman na po ako nag start," pagtatapos nito. 

MORE ON GMA ARTIST CENTER TALENTS:

Marlann Flores ikinuwento ang dahilan kung bakit siya nag-transfer ng network

Kim Domingo ni-reveal ang sikreto ng kanyang sexy figure

 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.