Glaiza de Castro, mas prefer ang traditional na panliligaw?
“Nakaka-miss pa rin syempre 'yung tradisyon..." - Glaiza de Castro
Sino ang paborito niyong Sang'gre? #YanAngSanggre sa #YanAngMorning
A photo posted by Yan Ang Morning (@7yanangmorning) on
Sa guesting ni Glaiza de Castro kasama ang iba pang Sang’gres ng bagong Encatandia sa Yan Ang Morning!, inamin ni Glaiza na mas gusto pa rin niya ang traditional na paraan ng panliligaw kung saan pinupuntahan ng lalaki ang babae at kinikilala talaga siya.
Ika niya, “Nakaka-miss pa rin syempre 'yung tradisyon, 'yung dating talagang makikita mo 'yung itsura niya. Kasi pag-text lang, 'hello, good morning,' parang masaya na makita 'yung kung ano 'yung itsura niya habang sinasabi niya 'yun sa'yo.”
Dagdag pa na ni Marian, na mas sweet talaga pag ikaw mismo ay ine-effort-an na puntahan ng lalaki para lang magkita kayo.
Aniya, “Iba pa rin 'pag pupuntahan ka sa bahay, lalo na pag lalaki sasabihin sa'yo, 'pwede ka ba puntahan?'”
Dagdag pa niya, “Well, ako, uma-agree naman talaga ako na mas maganda talaga na pinupuntahan ka ng manliligaw mo sa bahay para mas makilala mo, and makilala rin ng parents mo.”
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
Marian Rivera's Question of the Day: Agree or disagree ba ang mga mommies sa early education?
Tanong ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!: Asawa o si baby muna ang priority?