LOOK: Buboy Villar, may love life na?
Ano ang masasabi mo sa tila blooming na love live ni Buboy?
Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas mula ng unang i-post ni Buboy Villar ang larawan ng isang babae sa kanyang Instagram account. Walang caption ang post ni Buboy maliban sa mga emoticons pero may ilan na nagtanong sa kanya kung sino ang nasabing babae sa larawan.
Ngayong araw, (April 9) muling nag-post si Buboy sa kanyang social media account ng larawan nilang dalawa kung saan makikitang hinalikan niya sa ulo ang girl. Nakasaad sa caption ng batang aktor: "Ingat mahal ko!" at sinundan ng tag na @_angiloove na pagmamay-ari ng isang Angillyn Serrano Gorens.
Ito na kaya ang girlfriend ni Buboy?
Huling napanood si Buboy sa Kapuso Network sa programang The Half Sisters. Katambal niya doon si Sanya Lopez na ngayon ay isa sa mga bida sa nagbabalik na telefantasyang Encantadia.
Samantala, ano ang masasabi mo sa tila blooming na love life ni Buboy?
Happy Valentines Day! ???????????????? #Iloveyou????
A photo posted by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on