Kris Bernal, magdaraos ng meet and greet sa London
Team Abroad, abangan niyo ang pagdating ni Kris Bernal!
Kasalukuyang nagbabakasyon sa London si Kapuso star Kris Bernal matapos ang finale ng pinagbidahan niyang GMA Telebabad series na Little Nanay.
Naroon na lang din naman, minabuti niyang makilala nang personal ang ilang Kapuso fans doon.
Personal niyang ini-request sa GMA Pinoy TV na magdaos ng isang meet and greet event para sa mga kababayan natin sa London.
"Earlier today I had a meeting with my @gmapinoytv family to discuss about my meet and greet event in London! Getting more excited! I personally went to their office last week to ask if I could get a chance to meet and spend time with our kababayans since I'm going to be in London already! And it's a YES!!! Thank you @gmapinoytv for making it possible! So see you real soon #TeamAbroad!!!" sulat ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post.
MORE ON KRIS BERNAL:
Kanino inaalay ni Kris Bernal ang Rivermaya song na Kisapmata