Mike Tan, walang ginamit na peg para kay Ivan ng 'The Millionaire's Wife'
The Kapuso actor hopes the role will make him an even better actor.
Wala raw pinagbasehan na peg si Mike Tan para sa kanyang role bilang Ivan Meneses sa upcoming Afternoon Prime series The Millionaire's Wife.
"Wala akong nakitang peg, wala akong nakitang gustong pag-aralan. Noong nabasa ko 'yung script at nalaman ko 'yung character, nabuo ko na agad sa utak ko kung anong klaseng tao siya," pahayag niya.
READ: Mike Tan, excited makaeksena ang mga kontrabida sa 'The Millionaire's Wife' http://www.gmanetwork.com/entertainment/stars/miketan/articles/2016-03-07/21940/Mike-Tan-excited-makaeksena-ang-mga-kontrabida-sa-The-Millionaires-Wife
Ang mahalaga daw sa kanya ay iba-ibang character ang nakikita ng viewers. "'Yun 'yung goal ko lagi. Every time na lalabas ako sa TV, iba 'yung makikita nila."
The Kapuso actor also hopes that this role will make him an even better actor.
"Kasi para sa akin, bawat soap na ginagawa ko, sigurado ako doon na nagbabago ako at may natututunan ako. 'Yun ang sinisigurado ko kasi itong trabahong ito, siniseryoso ko talaga. Hindi ito 'yung pampalipas oras lang, para sa suweldo lang. Sa akin, ito 'yung craft ko, ang passion ko. I really take this seriously."