READ: Ano ang masasabi ni Carrot Man sa biglaan niyang pagsikat?
Abangan 'yan sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ngayong Linggo, February 28.
By AEDRIANNE ACAR
Mga Kapuso, dapat niyong abangan ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo (February 28) dahil mapapanood n'yo ang exclusive interview ng KMJS team kay Jeyrick Sigmaton a.k.a Carrot Man.
IN PHOTOS: Sino-sinong artista ang kamukha ni Carrot Man?
Sa Instagram post ng GMA News ngayong Biyernes (February 26) ng umaga, naging mahirap para sa buong team ng KMJS ang pag-contact kay Jeyrick na sumikat sa social media nang may nag-post ng kanyang larawan sa Facebook.
Agad na naging viral ang photo niya dahil na rin sa marami siyang kamukhang artista tulad ni Dennis Trillo at Korean actor Jang Geun Suk. Humanga rin ang mga netizens sa angking kasipagan na ipinamalas ni Carrot Man.
Ayon sa GMA News, “Matapos ang magdamagang pagcontact at paghahagilap sa kaniya, Miyerkules ng umaga, natunton ng @km_jessica_soho team si Jeyrick Sigmaton na mas kilala ngayon sa social media bilang si #CarrotMan. Kagagaling lang niya noon sa malayong bukirin, nag-ani ng gulay. Wala raw doong signal kaya laking gulat niya nang makumpirma niya sa aming team na nagva-viral na nga ang litrato niya.”
“Ito ang unang litratong kuha sa kanya ng KMJS team. Ang kuwento at eksklusibong panayam kay #CarrotMan at kung paanong sa atensyong nakukuha niya ngayon, nais din niyang ipakilala sa publiko ang pamumuhay at kultura nilang mga Igorot. Isa lang yan sa mga istoryang dapat abangan ngayong Linggo sa #KMJS11.”
Kaya i-cancel n'yo na mga Kapuso loyalista ang schedule n'yo sa darating na Linggo ng gabi at tumutok sa one-on-one interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa tinaguriang social media bae ng Mountain Province.
MORE ON CARROT MAN:
LOOK: Carrot Man memes nagsulputan sa social media