Michael V at Iya Villania, aminadong madali ang pagiging host ng 'Lip Sync Battle Philippines'
"Walang masyadong challenge." Bakit kaya ito nasabi nina Bitoy at Iya?
By FELIX ILAYA
Sa press conference ng Lip Sync Battle Philippines, tinanong ng mga miyembro ng media kung ano ang mga challenges na kahaharapin nina Michael V at Iya Villania sa pagho-host ng naturang show.
Panandaliang nag-isip si Bitoy bago niya inamin na hindi naman mahirap na mag-host ng show na gaya ng Lip Sync Battle Philippines.
Aniya, "Walang masyadong challenge [laughs]. The reason why I accepted this show is because parang masaya talaga siya. Ako, personally, hindi ako nakakakita ng ganoon kahirap na pagdadaanan namin para gawin 'tong show. Kahit noong hindi pa pine-present sa akin 'to [at] napapanood ko pa lang sa cable 'yung Lip Sync Battle, parang ang sarap gawin; naisip ko na agad na kung gagawin dito 'yan, sana ako mag-host."
Dagdag din ni Iya Villania na magsisilbing color commentator ng show, enjoy lang daw silang lahat habang nagho-host.
READ: Ano ang role ni Iya bilang color commentator sa Lip Sync Battle Philippines?
"Gaya nga ng sabi ni Kuya Bitoy, wala nga masyadong challenge kasi kami, puro enjoy lang kami dito na manonood at magho-host. Ang mahihirapan dito [ay] ang production na ipatupad ang mga pangarap ng mga contestant na gusto [ng] bongga. Kami, puro chika lang at puro tawa lang dito sa show so kayang-kaya."
Tinanong din ng press si Bitoy kung game daw siya na sumali sa Lip Sync Battle Philippines as a contestant at confident naman ang komedyante na kayang-kaya niya. Nagbiro din si Iya na handa raw na mag-volunteer si Bitoy kapag hindi siya ginawang contestant.
"Feeling ko nga kahit 'di siya kuning contestant, io-offer niya 'yung sarili niya para mag-participate."
Maliban sa mga nagkikinangang celebrities na magtatagisan ng galing sa pag-lip-sync, dapat n'yo ring abangan ang mga nakakalokang comments mula kina Bitoy at Iya sa Lip Sync Battle Philippines ngayong February 27 na!
MORE ON LIP SYNC BATTLE PHILIPPINES: