Ken Chan thinks one season isn't enough to tell Destiny Rose's story
Ayon kay Ken, marami pa raw mangyayari sa buhay ni Destiny Rose na talaga namang kaabang-abang.
Text by MICHELLE CALIGAN, Interview by GIA ALLANA SORIANO
Hindi lang daw si Ken Chan ang lubos na natuwa nang malamang extended ang run ng Afternoon Prime series na "Destiny Rose."
READ: Ken Chan, tuwang tuwa sa pagkaka-extend ng 'Destiny Rose'
"Bukod sa sobrang saya, sobrang na-excite kaming lahat. Hindi lang ako, kundi 'yung buong cast, buong production," he shares in an exclusive interview with GMANetwork.com.
Pahayag pa niya, hindi daw sapat ang isang season para ikuwento ang buhay ng isang transwoman tulad ni Destiny Rose.
"For us, 'yung one season, talagang kulang para isabuhay ang isang transwoman. Ang dami naming gusto pa ipakita at sobrang thankful at blessed kami at binigyan kami ng extension pa ng GMA 7 for another season."
Marami pa raw mangyayari sa buhay ni Destiny Rose na talaga namang kaabang-abang.
WATCH: Destiny Rose: Destiny Rose's true identity
"Ang dami naming gusto ipakita pa doon. Ayun, ngayon inuumpisahan na namin. Supposedly, tapos na kami this January, pero hanggang March pa kami."