Mga kamag-anak nina Maine at Alden, ipinagdiwang ang 28th weeksary ng AlDub
Hindi rin nakalimutan batiin ng Pambansang Bae si Maine sa espesyal na araw na ito.
By AEDRIANNE ACAR
Walang humpay pa rin ang 'Eat Bulaga' power couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagpapakilig sa milyon-milyong mga Pilipino sa hit segment nila na kalye-serye.
Maine Mendoza, pinuri ng netizens sa kanyang pagganap bilang batang Lola Nidora
Kilalanin ang mga Kapamilya na love ang AlDub!
WATCH: Maine Mendoza's viral video on Twitter puzzles netizens
Nagsimula ang lahat noong July 16, 2015 at anim na buwan na ang nakaraan, talaga namang kilig to the max pa rin ang buong bansa sa AlDub.
Ang video nga ni Yaya Dub kung saan nakita ng mga Kapuso na kinilig ito sa Pambansang Bae, may mahigit sa 5.2 million views na sa YouTube.
At ngayong Huwebes (January 28) ipinagdiriwang ng buong AlDub Nation ang 28th weeksary nila Alden at Maine.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kamag-anak ng AlDub para sa kanila lalo na at weeksary nilang dalawa.
Disoriented. Kala ko Friday na, thu pala! Happy weeksary!?? #ALDUB28thWeeksary
— Nicolette Ann ? (@nicoletteannmc) January 28, 2016
Amen. #ALDUB28thWeeksary pic.twitter.com/iwhNmGW794
— Richard P Faulkerson (@R_FAULKERSoN) January 28, 2016
Hindi rin nakalimutan batiin ng Pambansang Bae si Maine sa espesyal na araw na ito.
Happy weeksary @mainedcm. ???????????? #ALDUB28thWeeksary
— Alden Richards (@aldenrichards02) January 28, 2016
Happy 28th weeksary AlDub at sa mga AlDuBarkads!