Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Ang kuwento sa likod ng pag-aayos ni Aiai Delas Alas ng necktie ni Alden Richards

Updated On: October 31, 2020, 12:49 AM

Panoorin ang video ni Aiai at Alden backstage sa premiere night ng 'My Bebe Love.'

By BEA RODRIGUEZ

Nag-ayos lang umano si Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas ng necktie ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa backstage ng kanilang Metro Manila Film Festival premiere night ng 'My Bebe Love' pero mukhang ang lalim na ng nadiskubre ng aktres tungkol sa kanyang sarili.

 

Aktwali ang footage na ito ay ganito ang plot Sancho : mama tulungan mo nga to mag ayos ng tie nya Aiai: okinawa japan syempre ito pa ba ( habang inaayos ko ang napakahirap na ibutones na collar ng polo nito ni arshey-- ALDEN/ARSHEY: ms ai may lipstick ka sa ipin mo punasan mo.. AIAI:: oo eto na nga inuuna na nga kita hehehe ( bakit nga ba ganun ang mga madir inuuna ang mga anak bago sila hehe -- pag nag shopping ako mas una ko naisip mga anak ko at asawa ko kesa sa sariili ko.. -- kanino kaya ako nag mana? Tingin ko sa nanay ko din RIP-- kasi nanay ko iiyak lang sa isang tabi pag masama loob pag humingi ka ng kape nagmamadali pang kuhanin ???? miss ko nanay ko tuloy ... Ang haba ng storya e inayos lang naman ang necktie haha

A video posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on


READ: ‘Ibang Maine Mendoza and Alden Ricahrds ang makikita niyo dito’ –Aiai Delas Alas on ‘My Bebe Love’


Hiniling kasi ng kanyang anak na si Sancho Delas Alas na ayusin ang necktie ng kanyang co-actor dahil hirap itong ibutones ang collar ng polo. Habang ginagawa ito, napansin ni Alden na may lipstick ang komedyante sa kanyang ngipin at dapat punasan niya muna ito.

READ: Sancho Delas Alas, big step sa career ang mapabilang sa ‘My Bebe Love’

Pero saad ni Aiai, “Oo, [ito] na nga, inuuna na nga kita!” at napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit nga ba inuuna ng mga ina ang kapakanan ng mga anak.

Kuwento niya sa kanyang Instagram post, “’Pag nag-shopping ako, mas una ko naisip mga anak ko at asawa ko [kaysa] sa sarili ko.”

May pinagmanahan raw siya sa kanyang pumanaw na ina, “Nanay ko, iiyak lang sa isang tabi ‘pag masama [ang] loob [sa amin pero] ‘pag humingi [kami] ng kape, nagmamadali pang kuhanin.”

Bigla niyang na-miss ang kanyang mapag-arugang ina dahil sa pag-aayos ng necktie ng tinuturing niya nang anak sa showbiz.

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.