Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Tom Rodriguez inspired Carla Abellana to get fit

Updated On: March 24, 2020, 01:20 PM

Marami ang nakapansin ng pagganda ng pangangatawan ni Carla Abellana sa press launch ng primetime series na 'Because of You,' kung saan kasama niya sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell.

By MICHELLE CALIGAN

Marami ang nakapansin ng pagganda ng pangangatawan ni Carla Abellana sa press launch ng primetime series na 'Because of You,' kung saan kasama niya sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell.

READ: Carla Abellana at Gabby Concepcion, may chemistry kahit malaki ang age gap

"Circuit training three times a week, mayroong cardio, may kaunting weight lifting and cross fit. Diet, not even much before. Ngayon, diet also," kuwento niya sa entertainment press nang tanungin kung paano niya na-achieve ang kanyang sexy body.

Aniya, malaking impluwensiya sa kanya ang kanyang former 'My Destiny' leading man na si Tom Rodriguez.

"Kasi sa kanya ako na, kumbaga, makikita mo eh. Wala siyang pinipiling oras, kahit after work, kahit gabing gabi na, he'll make sure na mag-workout siya.
Kung siya nagagawa niya, dapat walang excuse-excuse, kaya ko rin."

READ: Tom Rodriguez and Carla Abellana go on dates despite busy schedule 

Ang 'Marimar' actor nga rin daw ang unang nakapansin ng effect ng kanyang workout.

"Actually siya nga ang unang nakapansin kasi kahit papano nakita naman niya kung paano ako nag-start eh. Tapos kahit papano, in the process of working out and dieting, nakikita na niya ang difference. Kahit ako mismo hindi ko nakikita."

Naapektuhan ba siya ng negative comments dati tungkol sa kanyang katawan?

READ: Carla Abellana, no longer affected by weight gain issue 

"Yes, definitely. Kasi kahit papano hindi mo naman mako-control, talagang aabot na may mga harsh words na talaga. Pero you wouldn't blame them naman 'di ba, kasi opinion nila 'yan. Hindi naman natin mako-control ang sasabihin nila, so siyempre it's hurtful. Pero gagamitin mo siya as motivation sa gym."

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.