Benjamin Alves, gustong umuwi sa pamilya sa Pasko
Nasa Guam ang pamilya ng Kapuso hottie na si Benjamin Alves, kaya naman ang Christmas wish niya ay makauwi para mag-Pasko kapiling nila.
By MARAH RUIZ, Interview by MICHELLE CALIGAN
Nasa Guam ang pamilya ng Kapuso hottie na si Benjamin Alves, kaya naman ang Christmas wish niya ay makauwi para mag-Pasko kapiling nila.
"Sana makauwi ako. I have a nephew that I've never spent Christmas with," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.
READ: Benjamin Alves misses his friends in Guam
Lalo daw niyang gustong umuwi dahil madalas siyang padalhan ng kanyang kapatid ng video ng kanyang pamangkin.
"He's only two years old so he's saying it broken, pero humihingi ng mga gifts. Nag-wi-wish list na! Sana makapunta ako doon para mabigay ko siya in person," dagdag ni Ben.
Wala pa raw siyang siguradong plano pero nangongolekta na raw siya ng regalo para dito.
"Ang request niya Avengers, Hulk or truck, so nangongolekta na 'ko ngayon. Hopefully, mas masaya kung ako 'yung magbibigay personally. If not, I'll give it pero mas masaya 'yung first time we'll spend Christmas as a family in a long time," ayon sa kanya.
READ: Benjamin Alves and Janine Gutierrez to star in an indie film in 2016
Ano nga ba ang mga Christmas traditions ng kanilang pamilya?
"Wala naman. Basta may handa, basta magkasama kami during Christmas Eve, tapos Christmas (Day) kanya-kanya na 'yan eh," ani Ben.
"Basta at least may one meal during the Christmas season na magkasama kami, happy na ako doon," pagtatapos niya.