Wyn Marquez, kinikilig dahil katrabaho si Nora Aunor sa 'Little Nanay'
Maraming celebrities ang hindi pa rin makapaniwala na nakakasabayan na nila sa pag-arte ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at isa na sa mga ito si Kapuso actress Wyn Marquez.
By AL KENDRICK NOGUERA
Maraming celebrities ang hindi pa rin makapaniwala na nakakasabayan na nila sa pag-arte ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at isa na sa mga ito si Kapuso actress Wyn Marquez.
READ: Nora Aunor, honored by Gusi Peace Prize International 2015
Nagkaroon ng pagkakataong makaeksena ni Wyn si Nora sa GMA Telebabad soap na 'Little Nanay' habang ginagampanan niya ang kakapasok lang na character ni Beatrice. At pagkatapos ng kanilang take, hindi napigilan ng former Bb. Pilipinas candidate na ibahagi ang kanyang nararamdaman sa kanyang Instagram.
"Being in a scene with the one and only superstar is so surreal! Nakakakilig. [I'm] so grateful to be working with Ms. Nora Aunor. Please excuse my happy chubby kilig face hahaha! #LittleNanay #happylang," ani Wyn.