Filtered By: Showbiz News | News
Julie Anne, happy to be reunited with Kristoffer
Published On: November 19, 2015, 10:54 AM
Updated On: November 10, 2020, 06:26 AM
"Wala po talagang nagbago. Masaya pa rin and everything is okay."
By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by CHERRY SUN
Sa mga hindi nakakaalam, ang kauna-unahang teleserye ni Julie Anne San Jose ay ang 'Kahit Nasaan Ka Man' kung saan niya nakatambal si Kristoffer Martin. Nang matapos ang show na ito noong 2013, ngayon lang ulit nagsama ang dalawa sa isang soap at ito ay ang 'Buena Familia.'
"Siya [Kristoffer] 'yung pumasok para maging love triangle namin ni Jake [Vargas]. Medyo bad boy 'yung character niya," pagpapakilala ni Julie sa character ni Kristoffer na si Zach.
"Well, wala namang nagbago," sagot ni Julie Anne nang tanungin kung kumusta ang working relationship niya kay Kristoffer.
Dagdag pa niya, "Ngayon lang ulit kami nagkasama sa soap. Masaya naman po siyang kasama tsaka sobrang kulit niya. Wala po talagang nagbago. Masaya pa rin and everything is okay."
Related Videos
EXCLUSIVE VIDEOS