Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Betong Sumaya, nag-alangan i-spoof ang Kalye-serye ng 'Eat Bulaga'

Updated On: March 19, 2020, 03:54 AM
Tanggap kaya ng AlDub Nation si Betong bilang Lolo Nidoro?
By AEDRIANNE ACAR
 
Isa sa pinaka-inaabangan na segment sa longest-running gag show ng bansa na Bubble Gang ang kuwela nilang portion na ‘Istambay-serye.’
 
Dito ini-spoof ng gag show ang hit segment ng Eat Bulaga na Kalye-serye. Gumaganap dito sina Denise Barbacena bilang Yaya Bad, si Juancho Trivino ay si Albert at si Betong Sumaya naman ay si Lolo Nidoro.
 
 
 
Sa exclusive interview kay Kapuso comedian Betong Sumaya ng GMANetwork.com, aminado ito na may konti siyang kaba nung ginawa na nila ang spoof tungkol sa AlDub.
 
Kuwento niya, “Parang kami yata ‘yung unang nag-spoof ng AlDub. So noong una siyempre parang may kaba kung paano tatanggapin. Baka mamaya imbes na matuwa, ikagalit pa ng mga fans.
 
Pero sobra raw siyang humanga sa galing nina Denise at Juancho dahil nakakatawa raw talaga ang impersonation nila kay Yaya Dub at Alden Richards.
 
”Pero in fairness, nakakatawa. Tapos isipin mo ang galing ni Denise. Sobra! Kamukhang-kamukha [niya si Yaya Dub]… Kaya niya eh, kayang-kaya niya i-spoof si Yaya Dub.”
 
“Si Juancho naman siyempre pa-dimple-dimple [laughs] ng konti, ayun nakakatawa. Tapos inassociate nila si Lolo Nidoro, ako si Lolo Nidoro,” saad ni Betong.
 
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ng Bubble Gang mainstay na marami ang positive comments at sumusuporta sa AlBad.
 
“So nakakatuwa kaya maraming salamat sa mga sumupport nung AlBad at ayun abangan pa natin ‘yung mga susunod na kabanata.”
Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.