Filtered By: Showbiz News | News
5 kilig scenes of Joey and Gabriele in 'Destiny Rose'
Published On: October 15, 2015, 07:28 PM
Updated On: March 18, 2020, 04:57 AM
Kikiligin kayo mga Kapuso, promise!
By MICHELLE CALIGAN
Mula nang una silang magkita sa personal, marami na ang kinilig kina Joey at Gabriele ng Destiny Rose. Kahit si Jasmine ay hindi mapigilan ang pagiging malapit ng dalawa, dahilan para ipa-torture niya si Joey sa grupo ni Lance.
Narito ang limang nakakakilig na eksena nina Joey at Gabriele, na ginagampanan nina Ken Chan at Fabio Ide.
Iniligtas ni Gabriele si Joey sa mga lalaking nangungutya sa kanya. Bukod dito, ginamot din niya ang sugat ni Joey at isinama niya ito pabalik sa evacuation center.
Habang nag-e-emote si Joey dahil sa selos, bigla namang dumating si Gabriele at tinanong kung okay lang ba siya.
Nang bugbugin nina Lance si Gabriele, si Joey ang nagbantay sa kanya.
Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Gabriele kay Joey nang itinakbo si Daisy sa ospital.
At sino ba ang hindi kinilig sa eksenang ito? Hindi na napigilan ni Joey ang kanyang nararamdaman at muntik nang halikan si Gabriele!
Trending Articles