Filtered By: Showbiz News | News
MUST-READ: Joyce Ching and Krystal Reyes' touching messages for birthday girl Barbie Forteza
Published On: July 31, 2015, 06:43 PM
Updated On: October 29, 2020, 02:19 PM
May sweet messages na ipinadala kay Barbie ang dalawa sa pinaka-close niyang kaibigan sa industriya na sina 'Healing Hearts' stars Joyce Ching at Krystal Reyes.
By AL KENDRICK NOGUERA

Dahil 18th birthday ngayon ni Barbie Forteza, may sweet messages na ipinadala para sa kanya ang dalawa sa mga pinaka-close niya sa industriya na sina Healing Hearts stars Joyce Ching at Krystal Reyes.
Matatandaang nagsama-sama ang tatlo nang bumida sila sa remake ng Anna Karenina noong 2013.
Ipinadala ni Joyce at Krystal ang kanilang mga mensahe para kay Barbie sa GMANetwork.com.
"Bebs! Happy birthday! Super happy ako para sayo! Sa career and lovelife! Haha! Sana wag ka magbabago, always be humble and always be genuine. I pray na mas mag-overflow pa ang blessings ni Lord sa buhay mo. Love you," bahagi ni Joyce.
Ani Krystal, "Hi bars! Happy birthday! Dalaga ka na! Legal naaa! Hahaha! Ang ganda at sexy mo ngayon. Walang halong eme dahil birthday mo. Totoo 'to promise. Haha! Kaya alam ko na happy ka. Wag magbabago. Congrats sa [The] Half [Sisters]! Happy birthday!"
Related Videos