Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Ash Ortega on being pregnant in InstaDAD: 'Nangyayari 'yon sa totoong buhay'

Updated On: November 5, 2020, 11:40 PM
The Kapuso teen star expresses her opinion on getting pregnant at a young age. 
By AL KENDRICK NOGUERA

 
Malaking gulo pa rin ang idinulot ng unexpected pregnancy ng character ni Ash Ortega na si Yumi sa InstaDAD.
 
Ayon sa Kapuso actress, ipinapakita raw ng weekly family-oriented show sa viewers ang consequences na maaaring nilang harapin kapag tumulad sila sa kanyang character.
 
"Well actually nowadays naman, talagang nangyayari 'yon sa totoong buhay. And from there, sana'y maging lesson 'to sa teens ngayon," pahayag ni Ash.
 
Hindi lang pala ito ang unang beses na nag-portray si Ash ng teenager na maagang nabuntis. Aniya, "Naka-experience na rin ako ng role na naging buntis before sa Nanay na si Totoy sa Magpakailanman. I got pregnant at a young age and now ginawa ko ulit pero ito mas makikita ng tao na talagang nangyayari in real life."
 
Mayroong mensahe si Ash sa mga kabataan ngayon. "Bata pa tayo, siyempre mas unahin natin 'yung studies natin. Huwag sana silang mabuntis nang maaga kasi sayang," bahagi ng InstaDAD star.
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.