Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Rachelle Ann Go, umuwi ng Pinas para sorpresahin ang pamilya

Updated On: March 14, 2020, 12:03 AM
Welcome home Rachelle!
By MARAH RUIZ
 
Walang kaalam-alam ang pamilya ni Rachelle Ann Go na uuwi pala siya ng Pilipinas!
 
Kinuntsaba niya ang ilan niyang kaibigan para sunduin siya sa airport at sorpresahin ang kanyang mga magulang at kapatid.
 
Galing sa London si Rachelle kung saan gumanap siya bilang Gigi Van Trahn sa Miss Saigon. 
 
 
"Their reactions were soooo priceless!!! WOooh!" paglalarawan ng West End actress sa naging reaksyon ng kanyang pamilya sa sorpresa niyang pag-uwi.  
 
Nagkaroon naman ng maliit na salo-salo sina Rachelle at ang kanyang mga kaibigan at kapwa singers na sina Mark Bautista, Christian Bautista, Sarah Geronimo at Erik Santos.
 
 
Ginanap ito sa Geronimo's Cafe and Restaurant na pagmamayari ng kaibigan niyang si Sarah Geronimo. 
 
Umuwing matagumpay si Rachelle dahil bukod sa pagkapanalo ng Best Supporting Actress sa nakaraang WhatsOnStage Awards, napili pa siya ng Disney para kumanta ng "A Dream is a Wish Your Heart Makes" para sa live-action adaptation ng Cinderella
 
Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.