Filtered By: Showbiz News | News
A finale to remember: Sino-sino ang mga ultimate bet ng bansa?
Published On: December 29, 2014, 05:38 PM
Updated On: March 17, 2020, 09:49 PM
Ano ang sinabi ng 'Bet ng Bayan' judges na sina Kuh Ledesma, Louie Ocampo at Lani Misalucha sa mga nanalo sa pinakamalawak na talent competition ng bansa?
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Matapos ang ilang linggo nang matitinding sagupaan, kinilala na kagabi ang mga ultimate bet ng Pilipinas sa kantahan, sayawan at kakaibang talento.
Dumagundong ang buong Music Hall ng SM Mall of Asia sa mga pasiklaban ng mga representatives mula sa Mega Manila, Luzon, Visayas at Mindanao. Mas lalo pang uminit ang bawat performance dahil sa mga hiyawan ng mga fans at supporters na dumayo pa mula sa mga malalayong probinsiya.
Sa Bet ng Bayan Grand Finals, Pilipinas Showdown kinilatis ang mga finalist ng mga bigwigs of the Philippine music industry tulad nila former My Husband’s Lover star Ms. Kuh Ledesma, Maestro Louie Ocampo at Asia’s Nightingale Ms. Lani Misalucha.
Sa huli, itinanghal ang Boholano na si Hanna Precillas na Bet sa Kantahan, ang Cebu dance group na Don Juan na Bet sa Sayawan at kinuha naman ni Jason Ivan Sobremonte ang titulo na Bet sa Kakaibang Talento.
Tinalo ni Hanna ang mga Bet ng Bayan singers na sina reggae diva Veronica Atienza (Mega Manila), Power belter Renz Robosa (Luzon) at ang crush ng bayan na si Kierulf King Raboy (Mindanao).
Para sa Asia’s Nightingale, angat ang galing ng Boholano singer dahil total package raw ito.
Ani Lani, “Wow! Para sa akin divang-diva ‘yung tayo mo pa lang actually ‘yung whole package mo parang diva na eh.”
Nahirapan naman ang mga judges kung sino sa apat na mga bet sa sayawan ang dapat kilalaning kampeon.
Pero para sa Kapuso Diva na si Ms. Kuh Ledesma sobra raw siyang na-inspire sa mga Grand Finalist na Don Juan, A’s Crew, UNEP Dance Club at D’ Gemini.
Saad ni Ms. Kuh, “Bilib ako sa energy na pinakita niyo tonight. I’m just so inspired to dance when I get home ang galing-galing niyo.”
Ngunit mas nagningning ang talento ng bet ng Visayas na Don Juan. Patok sa mga manonood ang kakaibang istilo nila sa pagsayaw na inspired by the popular video game na Super Mario Bros.
Namangha naman ang mga manonood sa mga di pangkaraniwang talento nila Master of Pain, Jomar Abjelina, ang all beki stunt group na Techno Jazz at ang pride ng Benguet na si Jason Ivan Sobremonte.
Pero sa huli ipinamalas ni Jason Ivan ang world-class performance niya bilang isang contortionist with his backbreaking routine.
To all the winners ng Bet ng Bayan, congratulations and more power!
Trending Articles