Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Bakbakan na sa 'Bet ng Bayan' Semi-Final Round!

Updated On: February 22, 2020, 06:52 AM
Sa December 7, umpisa na ng labanan para makapasok sa grand finale ng 'Bet ng Bayan.'
By AEDRIANNE ACAR

 
Mga Kapuso simula ngayong Linggo (December 7), umpisa na ng labanan para makapasok sa Grand Finale.
 
Unang magtatapat ang mga bet ng Northern at Southern Luzon sa Semi-Final round. Sino-sino sa mga contestants na nag-wagi sa Regional Finals ang one step closer to their dream na tanghalin bilang Bet ng Bayan grand winner sa kantahan, sayawan at kakaibang talento.
 
Sa panayam sa Bet ng Bayan host na si Alden Richards, excited na raw siyang makita ng lahat ang mga na-discover nilang fresh talents mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
 
Saad ni Alden, “Semi final leg na po kami and very much promising 'yung mga talents [na] na[ka]pasok [at] na-screen dito sa mga naganap na mga regional finals. Very tight po ‘yung competition actually kasi ‘yung talents na nakuha po namin since the beginning are fresh talents.”
 
Dagdag pa niya, “Very few [contestants] ‘yung nag-appear na sa TV. Pero most of them, kasi nga po since kami ang lumapit, mas madali ‘yung naging access ng mga nag-audition na makapag-audition sa isang talent search. So kaya very raw. So ngayon lang nila makikita ‘yung ganung klaseng talent. Very kaabang-abang po.”
 
Ikinagulat nga ng former Ilustrado star ang nakamit na success ng Bet ng Bayan kahit bago pa lang ang show. 
 
Kuwento pa nito, minsan daw ay nakakaiyak ang mga kuwento ng mga nag-audition sa mga probinsiya dahil karamihan daw ay hirap sa pera.
 
Aniya, “The way I see it now, most of [the contestants] na sumasali po dito sa mga talent search ang problema nila ay financial. Financial problem kaya hirap silang makapunta sa Maynila kung nandito 'yung audition.”
 
“Very blessed kami, ang Bet ng Bayan. And very blessed din sila. At least, kami na ‘yung pumunta doon para makapag-audtion sila. Mapakita nila ‘yung talents nila sa TV.”
Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.