Filtered By: Showbiz News | News
Barbie and Thea are perfect for 'The Half Sisters' according to the veterans
Published On: July 14, 2014, 04:20 PM
Updated On: March 10, 2020, 03:58 PM
How did veteran stars Jomari Yllana and Jean Garcia rate the performance of 'the half sisters' Thea Tolentino and Barbie Forteza?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Bigatin ang mga katrabaho nina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa The Half Sisters dahil dekada na ang binibilang ng mga ito sa tagal nila sa industriya. Ano kaya ang masasabi ng veteran actors na sina Jean Garcia, Jomari Yllana at Ryan Eigenmann sa dalawang bida ng Afternoon Prime soap?
Kuwento ni Jean, first time niya pa lang daw makatrabaho si Thea. Samantala, nagkasama na sila ni Barbie noong bata pa ito sa Stairway to Heaven ngunit saglit lang daw ang mga eksena nila.
“Ang lalaki na nila ngayon. So excited ako sa mga pupuntahan pa nila since mga bata pa 'tong mga 'to. Magagaling sila at very professional. So I'm very proud and honored na makatrabaho 'tong dalawang 'to,” saad ni Jean.
Nakatrabaho na ni Ryan si Thea sa Pyra Babaeng Apoy noong nakaraang taon kaya’t familiar na siya sa acting nito. Pero ayon sa batikang aktor, ito pa lang ang first time na makatrabaho niya si Barbie.
Hindi naman daw siya binigo ng dalawa dahil nagagamapanan naman nila nang mahusay ang roles. “So far it has no problem naman. Makulit din 'yung dalawa and open to learn. So it's a good experience for all of us din.”
Ayon naman kay Jomari, nakikita niya ang perfect combination nina Barbie at Thea bilang mga bida ng soap. Aniya, “'Pag magkasama na sila, nakikita mo 'yung pinaka-contrast ng dalawa. Sa 'kin bagay na bagay sila doon sa mga role na ginagampanan nila.”
“Si Thea hindi ko siya gustong mabait kapag tinitingnan ko. Si Barbie hindi ko gustong masama. So kumbaga parang fine tuning na lang 'di ba? Sa itsura nila parang bagay na bagay 'yung role,” dagdag niya.
Patuloy na subaybayan ang The Half Sisters, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.
Trending Articles